Barangay Chairman, tepok sa puno
@Balitang Probinsiya | Pebrero 5, 2024
COTABATO CITY -- Isang pekeng dentista ang inaresto ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Rosary Heights sa lungsod na ito.
Ang suspek ay itinago muna ng pulisya sa alyas na “Bia”, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na may nag-report sa mga otoridad na si “Bia”, na nagsasagawa ng mga dental procedure sa lungsod ay isang pekeng dentista.
Agad na nag-imbestiga ang pulisya at natuklasan nila na si “Bia” ay hindi lisensyadong dentista kaya’t mabilis nilang dinakip ang suspek.
Kusang sumama sa pulisya si “Bia” nang dakpin siya ng mga otoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments