top of page
Pokwang.jpg

Barangay chairman, nilikida

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2021
1 min read

Updated: Jan 9, 2021

@Balitang Probinsiya | January 7, 2021



DAVAO DEL SUR—Isang barangay chairman ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Managa, Bansalan.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Chairman Samuel Dicdican, residente ng Bgy. Buenavusta sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, habang nasa labas ng kanilang bahay si Dicdican ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.


Kaugnay nito, nagpalabas na rin ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page