top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bangkay, sa sako natagpuan

Writer: BULGAR
BULGAR
May 17, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 17, 2023


ILOILO—Isang bangkay ng lalaki na nakalagay sa sako ang natagpuang nakalutang, kamakalawa sa baybaying dagat ng Bgy. Concepcion, Iloilo City sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala na si Raymond Castro, nasa hustong gulang at residente ng Jaro District sa nasabing lungsod.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na nakalagay sa sako at nakalutang sa baybaying dagat.


Dahil ang bangkay ay nakalagay sa sako, kinumpirma ng pulisya na biktima ito ng salvage.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para makilala ang mga salarin.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page