top of page
Pokwang.jpg

Bangkay ng worker, natagpuan sa ilog

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 23, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 23, 2020



CAPIZ—Isang bangkay ng utility worker na may mga tama ng saksak ang natagpuan kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy. Banica, Roxas City.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jonathan Caloyloy, residente ng Bgy. Tanza Norte, Panay sa nasabing lalawigan.


Nabatid na menor-de-edad ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa nabanggit na barangay.


Sa imbestigasyon ng pulisya, posible umanong biktima ng panghoholdap si Caloyloy at maaaring nanlaban ito kaya pinatay ng mga suspek.


Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala at madakip ang mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page