Bangkay ng rider, natagpuan

@Balitang Probinsiya | December 14, 2020
NUEVA ECIJA—Isang bangkay ng hindi kilalang rider ang natagpuan kamakalawa sa Brgy. San Juan Accfa, Cabanatuan City.
Ang biktima na may mga tama ng bala sa katawan ay nakasuot ng itim na jacket, maong na pantalon at kulay asul na face mask.
Ayon sa ulat, ilang residente ang nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril sa pinangyarihan ng krimen at nang puntahan ay dito natagpuan ang duguang bangkay ng biktima na may tama ng mga bala sa katawan habang nasa tabi ng kanyang nakatumbang motorsiklo.
Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na nakasakay sa motorsiklo ang biktima nang barilin ng mga hindi kilalang salarin.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na krimen.



Comments