top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bangkay ng magsasaka, natagpuan

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 17, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 17, 2021


CAPIZ—Natagpuan ang bangkay ng isang magsasaka kamakalawa sa bukid na sinasaka umano nito sa Bgy. Esteban, Pilar.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Julius Barce, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.


Nabatid na ilang residente ang nakakita sa bangkay ng biktima sa nasabing lugar.


Sa pagsisiyasat ng pulisya ay posible umanong atake sa puso o heat stroke ang ikinamatay ng biktima dahil wala namang palatandaan na ito ay pinatay.


Gayunman ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya para matiyak na walang foul play sa pagkamatay ng biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page