Bangkay ng mag-utol, natagpuan
@Balitang Probinsiya | November 20, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Dalawang bangkay ng magkapatid na lalaki ang natagpuan kamakalawa sa matalahib na lugar sa Brgy. Cabacungan, La Castellana sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang magkapatid na biktima habang nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga otoridad.
Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang mga bangkay ng magkapatid sa nasabing lugar.
Sa imbestigasyon, napag-alaman na kapwa may mga tama ng saksak sa katawan ang magkapatid na biktima.
Patuloy ang pagsisiyasat ng mga otoridad para makilala at madakip ang mga salarin.



Comments