top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Bangkay ng lola lumutang sa sapa

BULGAR
Jan 19, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 19, 2023


AKLAN—Isang bangkay ng lola ang natagpuan kamakalawa na nakalutang sa sapa na sakop ng Bgy. Agmailig, Libacao.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Pacita Apolinario, 63-anyos at residente sa nabanggit na bayan.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa sapa sa nasabing barangay.


Huli umanong nakitang buhay si Apolinario habang kakuwentuhan ang isang kabarangay na nakatira malapit sa sapa.


Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang sanhi ng ikinamatay ni Apolinario kung may naganap na foul play sa kamatayan nito o kung aksidenteng nalunod sa sapa ang biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page