top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bangkay ng kelot, natagpuan sa talahiban

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 18, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 18, 2021


QUEZON--Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan kamakalawa sa matalahib na lugar sa Bgy. Pahinga Norte, Candelaria.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Zaldy Custodio, 30-anyos at nakatira sa nasabing bayan.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa matalahib na lugar sa naturang barangay.


Kaagad na ini-report ng mga residente sa pulisya ang tungkol sa natagpuan nilang bangkay ni Custodio, at sa imbestigasyon ay nalamang may mga tama ito ng bala sa katawan.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid ang motibo sa naganap na krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page