top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bangkay ng kelot, lumutang sa sapa

BULGAR
Jan 8, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 8, 2023


ALBAY—Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang nakalutang kamakalawa sa sapa na sakop ng Bgy. Caratagan, Pio Duran.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Felicito Padios, 42-anyos at residente ng nabanggit na bayan.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na nakalutang sa sapa sa nasabing barangay.


Huli umanong nakitang buhay si Padios na lumabas ng kanilang bahay at pagkaraan ay hindi na nakauwi hanggang matagpuan ng mga residente ang bangkay nito sa sapa.


Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid kung may naganap na foul play sa kamatayan ni Padios o kung aksidenteng nalunod lang ito sa sapa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page