Bangkay ng guro, natagpuan

@Balitang Probinsiya | November 9, 2020
LANAO DEL NORTE—Isang bangkay ng guro ang natagpuan kamakalawa sa Bgy. Pantar, Kolambugan.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Arthur Flores, guro sa nasabing lalawigan.
Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang bangkay ng biktima na may mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, posible umanong biktima ng panghoholdap at carnapping si Flores dahil nawawala ang kagamitan at motorsiklo nito, at maaaring nanlaban ang guro kaya pinatay ito sa saksak ng mga salarin.
Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para madakip ang mga salarin.



Comments