top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bangkay ng bebot, natagpuan sa suv

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 28, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | Oct 28, 2021



ILOILO—Isang bangkay ng babae ang natagpuan sa loob ng SUV (sports utility vehicle) kamakalawa sa Bgy. Inangayan, Barbara Martes.


Isang identification card na may pangalang “Claire Dergos” ang natagpuan sa gamit ng biktima sa loob ng kotse.


Nabatid na ilang residente ang nakakita sa bangkay ng biktima sa loob ng SUV na nakaparada sa nasabing lugar.


Sinabi ng mga residente na napuna nila ang sasakyan na ilang araw ng nakaparada sa naturang barangay at nang tingnan ay dito natagpuan ang bangkay ng biktima.


Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid ang sanhi ng pagkamatay ng babae.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page