top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bangkay, natagpuan sa kanal

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 16, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 16, 2021


ALBAY—Isang bangkay ng hindi kilalang lalak ang natagpuan kamakalawa sa malalim na kanal sa Bgy. Tambongon, Bacacay.


Sa ngayon ay inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima.


Ayon sa ulat, ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may tama ng bala sa ulo sa kanal sa nasabing lugar.


May hinala ang mga awtoridad na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lang ang bangkay nito sa naturang barangay.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid ang motibo sa naganap na krimen.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page