top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Bangkay, natagpuan sa ilog

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 19, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 19, 2024

NEGROS OCCIDENTAL -- Isang hindi kilalang lalaki ang natagpuang patay habang nakalutang sa ilog kamakalawa sa Brgy. Lopez Jaena, Murcia sa lalawigang ito.

 

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng biktima. 

 

Ang biktima, ayon sa pulisya ay tinatayang nasa pagitan ng 25 hanggang 27 ang edad.

 

Napag-alaman na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima habang nakalutang sa ilog sa nabanggit na lugar.

 

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagkamatay ng biktima sa nasabing ilog.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page