top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bangkay na kelot natagpuan sa ilog

BULGAR
Nov 12, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 12, 2022


CAMARINES SUR—Isang bangkay ng hindi kilalang lalaki ang natagpuang nakalutang kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy. San Mateo, Camaligan.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na tinatayang nasa pagitan ng 30 hanggang 35 ang edad, nakasuot ng itim na sando at stripe na short pants.


Nabatid na ilang mangingisda ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na nakalutang sa nasabing ilog.


Kaagad ipinagbigay-alam ng mga mangingisda sa pulisya ang tungkol sa pagkakatagpo nila sa bangkay ng biktima.


Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman kung namatay sa lunod o may foul play sa pagkamatay ng biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page