top of page
Gary V. - IG.jpg

Balikbayan, tiklo sa boga at mga bala

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 4, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 04, 2023


QUIRINO -- Isang balikbayan ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng isang baril at mga bala kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Villa Ventura, Aglipay sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ng mga awtoridad ang suspek habang iniimbestigahan ito sa himpilan ng pulisya.


Nabatid na sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ng balikbayan sa bisa ng search warrant at dito nakumpiska ang isang caliber .8 automatic pistol at mga bala.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin siya ng mga awtoridad sa nasabing lugar.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa kasong illegal possession of firearms and ammunition.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page