top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Bakasyunistang bebot, nahulog sa resort hotel

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 1, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 1, 2021



AKLAN—Isang babaeng bakasyunista ang sugatan nang mahulog kamakalawa sa isang resort hotel sa Boracay Island.


Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na nasa pagitan ng 40-42 ang edad.


Ayon sa mga saksi, nagulat sila nang mahulog mula sa ikatlong palapag ng resort hotel ang biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan at kasalukuyan na itong ginagamot sa ospital.


Inaalam pa ng mga awtoridad kung sinadya ng biktima ang kanyang pagkahulog o aksidenteng nahulog ito sa resort hotel.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page