top of page
Search
BULGAR

Bakanteng posisyon para sa mga guro, aksyunan

by Info @Editorial | August 1, 2024


Editorial

Tulad ng inaasahan, sa mga unang araw ng balik-eskwela, tiyak na maglalabasan na naman ang mga problema.


May mga eskwelahan pa rin na kulang sa pasilidad, siksikang klasrum at may ulat na nagkukulang din umano sa guro.


Kaugnay nito, nangako naman ang Department of Education (DepEd) na hanggang ngayong Agosto ay mapupunan na ang mahigit 20,000 bakanteng posisyon para sa mga guro sa buong bansa.


Sinabi ito ni DepEd Undersecretary Wilfredo Cabral sa pagtalakay ng House Committee on Appropriations sa paggastos ng DepEd sa pondo nito.Ayon sa isang mambabatas, kada taon ay humihingi ang DepEd ng pondo para sa pag-hire ng 10,000 mga guro.Noong Nobyembre 2023, nag-isyu na umano ang DepEd ng memorandum sa mga regional directors at superintendents at pinasumite sila ng catch-up plans.Sa ngayon, 30% sa nasabing bakanteng posisyon ng mga guro ang napunan na at naglagay na rin sila ng monitoring system sa lahat ng rehiyon.


Isa ito sa mga usapin na dapat ay laging natututukan upang hindi lumala.


Maraming tapos at kuwalipikadong magturo pero hirap na makapasok sa mga pampublikong paaralan sa kabila ng marami naman pa lang bakanteng posisyon.

Ano kaya ang problema?


Sana, sa bagong kalihim at mga opisyal ng DepEd, tuluyang maresolba ang isyu at tuluyan nang mapunan ang 20 libong posisyon para may dagdag-guro at maitawid nang mas maayos ang edukasyon.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page