Bahay, tinupok ng apoy
- BULGAR
- Nov 1, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 1, 2021
AKLAN--Isang bahay ang tinupok ng apoy kamakalawa sa Bgy. Baybay, Makato.
Ang bahay na nasunog ay pag-aari ni Ben Salem, 70-anyos, residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, biglang sumiklab ang sunog sa bahay ni Salem at sa pagresponde ng mga bumbero ay makalipas ang ilang oras ay naapula ang apoy
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay nabatid na walang tao sa bahay ni Salem nang maganap ang sunog.
Inaalam na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog sa bahay ni Salem.



Comments