Bahay, tinupok ng apoy

@Balitang Probinsiya | December 12, 2020
CAPIZ—Isang bahay ang tinupok ng apoy kamakalawa sa Bgy. Crisitina, Tapaz.
Ang bahay na nasunog ay pagmamay-ari ni Rosie Gabuyog, residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, biglang sumiklab ang sunog sa bahay ni Gabuyog at mabilis na kumalat ang apoy sa buong kabahayan.
Nabatid na wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na sunog.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang sanhi ng sunog at malaman ang halaga ng napinsala ng apoy.



Comments