Bahay nasunog sa naiwang sinaing
@Balitang Probinsiya | October 09, 2023
AKLAN -- Isang bahay ang tinupok ng apoy dahil sa naiwang sinaing kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Banga sa lalawigang ito.
Ang nasunog na bahay ay pag-aari ng pamilyang Depino sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, biglang sumiklab ang sunog sa bahay ng pamilya Depino at mabilis na kumalat ang apoy kaya natupok ang buong kabahayan.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay nabatid na umalis sa kanilang bahay ang pamilya Depino at ang naiwang sinaing ang naging sanhi ng sunog.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.



Comments