top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Bahay nasunog, lola nadale

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 23, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 23, 2024

NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 80-anyos na lola ang sugatan nang masunog ang kanyang bahay kamakalawa sa Brgy. PuntaTaytay, Bacolod City sa lalawigang ito.

 

Sa kahilingan ng kanyang mga kamag-anak ay hIndi na pinangalanan ng mga otoridad ang biktima.

 

Ayon sa ulat, nag-iisa sa kanilang bahay ang lola nang maganap ang sunog na nagmula sa kusina ng kanilang tahanan.

 

Agad sinaklolohan ng mga residente ang biktima na makalabas sa bahay, gayunman ay nagkaroon na ito ng 3rd degree burns sa katawan.

 

Makalipas ang ilang oras ay naapula rin ang apoy at sa ngayon ay ginagamot na ang biktima sa ospital.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page