Bagitong tulak, tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | December 21, 2021
CAPIZ--Isang bagitong drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Duyoc, Dao.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Thomas Cruto, nasa hustong gulang at residente sa naturang barangay.
Napag-alamang nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng illegal drugs ni Cruto ay agad itong inaresto ng mga awtoridad.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments