Bagitong tulak, tiklo sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | February 7, 2021
PAMPANGA—Arestado ang isang bagitong drug pusher sa buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Sucad, Apalit.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Dante Yumang, residente sa naturang barangay.
Napag-alamang nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng illegal drugs ni Yumang ay agad itong inaresto ng mga awtoridad.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Yumang na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments