top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bagitong tulak, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 24, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 24, 2023


BATANGAS—Isang binatang bagitong pusher ng marijuana ang naaresto sa buy-bust operation ng mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Coliat, Ibaan sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Mark Joram Suarez, 19, at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng marijuana si Suarez kaya agad nagsagawa ng buy-bust ang pulisya sa nasabing barangay at dito nadakip ang suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 22 gramo ng marijuana at marked money sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page