top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bagitong tulak, huli sa buy-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 8, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 8, 2023


PALAWAN -- Isang bagitong drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Bancao-Bancao, Puerto Princesa City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Paul Derama, 26, at nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng shabu si Derama kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa naturang barangay na naging dahilan upang madakip ang suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang sachet ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.


Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page