Bagitong pusher, timbog sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | December 27, 2022
AKLAN—Isang bagitong drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Tigayon, Kalibo.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Raymar Ortega, 22-anyos at residente ng Bgy. Andagao sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng shabu si Ortega kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation sa naturang barangay, kaya nadakip ang suspek.
Nabatid na,nakakumpiska ang mga awtoridad ng sachet ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap si Ortega sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments