Bagitong pusher nasakote
@Balitang Probinsiya | November 14, 2022
AKLAN—Isang bagitong drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust kamakalawa sa Bgy. Andagao, Kalibo.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ryan Garcia, 40-anyos, tricycle driver at residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng shabu si Garcia, kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation sa naturang baranga, kaya nadakip ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng sachet ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap si Garcia sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments