top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Bagitong pusher, huli sa buy-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 15, 2023


AKLAN -- Isang bagitong drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Brgy. Mambog, Banga sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rodel Roday, 41, at nakatira sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng umano’y shabu si Roday kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa naturang barangay na naging dahilan upang madakip ang suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang sachet ng hinihinalang shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page