Bagitong pusher, huli sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | May 27, 2023
ALBAY—Isang bagitong drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Tagas, Daraga sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Ken Jereny Llanto, 18-anyos, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng shabu si Llano kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa naturang barangay na naging dahilan upang madakip ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang sachet ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ngayon si Llanto sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments