Bagitong pusher, arestado
@Balitang Probinsiya | December 07, 2021
ALBAY—Arestado sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya ang bagitong drug pusher kamakalawa sa Bgy. Sto. Cristo,Tabaco City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Maestico Boralna, 25-anyos at residente sa naturang barangay.
Napag-alamang nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng illegal drugs ni Boralba ay agad itong inaresto ng mga awtoridad.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments