top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bagets, todas sa holdap

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 14, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 14, 2021


QUEZON—Patay ang 16-anyos na binatilyo ang saksakin ng dalawang hindi kilalang holdaper kamakalawa sa Bgy. 9, Lucena City.


Ang biktimang nagtamo ng saksak sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Don Bulawan, nakatira sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, hinoldap umano ng dalawang suspek si Bulawan at kinuha ang kanyang cellphone, pero nanlaban ang biktima kaya sinaksak ito ng isa sa dalawang suspek.


Kaagad dinala ng mga saksi si Bulawan sa ospital, pero hindi na ito umabot nang buhay sa pagamutan.


Pinaghahanap na ng pulisya ang mga suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page