top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Bagets tinodas ng tambay

BULGAR
Oct 19, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 19, 2022


PANGASINAN—Isang 17-anyos na binatilyo ang namatay nang saksakin ng tambay kamakalawa sa Bgy. Tocok, San Fabian.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Jonathan Carig, estudyante samantalang ang suspek ay si Mark Ymasa, 25-anyos, walang trabaho, at kapwa residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nakaupo sa kanyang motorsiklo si Carig ay nilapitan at tinutukan ito ng patalim ni Ymasa at dinala sa liblib na lugar at dito pinagsasaksak ang biktima.


Matapos ang pananaksak ay nagtangkang tumakas si Ymasa pero nahuli siya ng mga awtoridad, samantalang dinala ng mga saksi si Carig sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nahaharap ang suspek sa kasong murder.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page