top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bagets, tinepok ng kelot

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 15, 2020



Pangasinan—Isang 14-anyos na binatilyo ang namatay nang saksakin ng isang binata na kanyang kaalitan kamakalawa sa Bgy. Embarcadero, Mangaldan.

Kinilala ang biktima na nagtamo ng tama ng saksak sa dibdib na si Kenny Fernandez, nakatira sa nabanggit na barangay.

Batay sa imbestigasyon, naglalakad si Fernandez kasama ang tatlo niyang kaibigan nang sumulpot ang suspek na si Jericho delos Reyes, 18-anyos, residente din sa nasabing barangay.


Kaagad dinala ng mga saksi sa ospital si Fernandez sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya ay agad din nadakip si Delos Reyes na nahaharap sa kasong murder.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page