Bagets, timbog sa boga at mga bala
@Balitang Probinsiya | March 21, 2021
KALINGA—Isang binatilyo ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng baril at mga bala kamakalawa sa Bgy. Calanan, Tabuk City.
Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang suspek.
Nabatid na nagsasagawa ng pagpapatrulya ang pulisya nang makita nila ang grupo ng kabataan na nag-iinuman sa gilid ng kalsada.
Ayon sa ulat, bigla umanong tumakbo ang suspek, pero mabilis siyang naabutan ng mga awtoridad at nang kapkapan ay nakunan ito ng .45 pistola at mga bala.
Inaalam na ng pulisya ang pagkatao ng suspek at sinampahan na ito ng kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments