Bagets, tiklo sa boga
@Balitang Probinsiya | July 10, 2023
AKLAN -- Isang 16-anyos na binatilyo ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng isang baril at mga bala kamakalawa sa public market ng bayan ng Sigma sa lalawigang ito.
Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang suspek.
Ayon sa ulat, may natanggap na impormasyon ang pulisya na may nakasukbit na baril ang suspek kaya agad rumesponde ang mga ito at nang kapkanan ay nakumpiska sa pag-iingat ng binatilyo ang isang kalibre .38 revolver at mga bala.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa loob ng nasabing palengke.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments