Bagets, sugatan sa boga
- BULGAR
- Apr 19, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | April 19, 2023
ILOILO—Isang 16-anyos na binatilyo ang sugatan nang tamaan ng bala ang tuhod nito mula sa dala niyang baril na aksidenteng pumutok, kamakalawa sa Bgy. Barasalon, Janiuay sa lalawigang ito.
Dahil menor-de-edad, hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima na residente sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, lumabas ng kanilang bahay ang binatilyo na nakasukbit sa bewang nito ang isang baril, pero aksidenteng nahulog kaya pumutok at tinamaan sa kanang tuhod ang biktima.
Agad dinala ng mga residente ang biktima sa ospital, at sa pag-iimbestiga ng mga awtoridad, napag-alaman na ang baril ay pag-aari ng ama ng binatilyo.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente, at inaalam na rin kung lisensyado ang baril ng ama ng biktima.



Comments