Bagets sinalvage sa kalsada
@Balitang Probinsiya | October 21, 2022
NUEVA VIZCAYA—Isang bangkay ng hindi kilalang binatilyo na biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa sa gilid ng kalsada sa Bgy. Roxas, Solano.
Ang biktima na may tama ng bala sa ulo ay tinatayang nasa pagitan ng 15 hanggang 17 ang edad, 5'1 ang taas, kayumanggi, payat at nakasuot ng green na t-shirt at itim na short pants.
Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang bangkay ng biktima sa gilid ng nasabing kalsada.
May hinala ang mga awtoridad na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lang sa nasabing barangay ang bangkay nito upang iligaw sa imbestigasyon ang pulisya.
Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang motibo sa naganap na krimen.



Comments