Bagets, sinaksak ng kapwa bagets
@Balitang Probinsiya | December 6, 2023
AKLAN -- Isang 16-anyos na binatilyo ang sugatan nang saksakin ng kapwa niyang binatilyong 17-anyos kamakalawa sa Brgy. Andagao, Kalibo sa lalawigang ito.
Dahil kapwa menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng mga otoridad ang biktima at ang suspek na parehong residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa lamay ang dalawa ay nagkaroon ng pagtatalo ang mga ito na humantong para pagsasaksakin ng suspek ang biktima.
Nabatid na nagtamo ang biktima ng tig-isang saksak sa mukha, ulo at balikat, at sa ngayon ay inoobserbahan siya sa pagamutan.
Agad namang nadakip ng mga rumespondeng tauhan ng pulisya ang suspek.



Comments