top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Bagets patay sa kuryente

BULGAR
Nov 6, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 6, 2022


PANGASINAN—Isang 15-anyos na binatilyo ang namatay nang makuryente kamakalawa sa bayan ng Binmaley.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jansen Urbano, nakatira sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, naglalakad umanong pauwi si Urbano nang may masagi itong live wire sa kanyang dinaraanan, kaya nakuryente ang binatilyo.


Napag-alamang sa lakas ng boltahe ng kuryente ay nagkaroon ng 3rd deegree burns sa katawan ang biktima.


Kaagad dinala ng mga residente ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page