top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bagets, natagpuang patay

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 3, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 3, 2021



ILOILO—Natagpuang patay ang 16-anyos na binatilyo kamakalawa sa liblib na lugar sa Bgy. Pulo, Oton.


Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima na residente sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, mga residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may malaking sugat sa ulo at katawan sa liblib na lugar sa nasabing barangay.


Nabatid na agad ipinagbigay-alam ng mga residente sa pamilya ng biktima ang tungkol sa natagpuan nilang bangkay ng binatilyo.


Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa pagkamatay ng biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page