top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bagets nalunod sa ilog

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 25, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 25, 2023


MASBATE—Isang 15-anyos na binatilyo ang namatay nang malunod habang naliligo sa ilog na sakop ng Bgy. Quezon, Uson sa lalawigang ito.


Sa kahilingan ng pamilya ng biktima, ay itinago sa pangalang "Totoy" ang nalunod na binatilyo.


Nabatid na naligo si "Totoy" kasama ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan sa ilog sa naturang lugar, at nang magawi sa malalim na bahagi ng tubig ay dito nalunod ang biktima.


Napag-alaman na agad sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad nakita ang biktima na lumubog sa ilog.


Ayon sa ulat, makalipas ang ilang oras na paghahanap ay saka lang natagpuan sa ilalim ng ilog ang biktima at agad itong dinala sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page