Bagets ‘naglaro’ ng, ari nasakote
@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 4, 2024
AKLAN -- Isang binatilyo ang dinakip ng pulisya nang laruin nito ang kanyang ari sa tabi ng isang 22-anyos na dalaga sa loob ng isang pampasaherong bus, kamakalawa sa bayan ng Kalibo sa lalawigang ito.
Hindi na pinangalanan ng pulisya ang dalaga at ang suspek na binatilyo.
Ayon sa ulat, habang lulan ng pampasaherong bus ay nanghingi ng limos ang binatilyo at binigyan naman ito ng pera ng dalaga at pagkaraan nito ay tumabi sa upuan ng biktima ang suspek.
Napag-alaman na habang magkatabi ay nakita ng dalaga na nilalaro ng binatilyo ang ari nito kaya pagdating sa terminal at may nakitang pulis ay agad na ipinahuli ng biktima ang suspek. Matapos sampahan ng kaukulang kaso ay itinurn-over ng pulisya ang suspek sa pangangasiwa ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD).



Comments