Bagets na wanted, arestado

@Balitang Probinsiya | November 27, 2020
CAGAYAN—Isang binatilyong most wanted criminal ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Tokitok, Sanchez Mira.
Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang suspek.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong mga kasong rape sa lalawigan.
Nabatid na nakita ng nagpapatrulyang pulisya ang suspek sa nasabing lugar kaya agad itong inaresto ng mga awtoridad.
Hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya nga pulisya sa naturang lugar.



Comments