top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bagets na umawat sa away, sinaksak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | September 11, 2023


ANTIQUE -- Isang 15-anyos na binatilyo na umawat sa away ng dalawang grupo ng kabataang lalaki ang sugatan nang saksakin ng kapwa niya binatilyo kamakalawa sa Bgy. 8, San Jose sa lalawigang ito.


Hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima at ang suspek dahil kapwa sila menor-de-edad.


Ayon sa pulisya, nagkaroon ng rambulan ang dalawang grupo ng kabataan sa nasabing barangay, na nagawang umawat ng biktima, pero sinaksak naman siya ng suspek sa katawan.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan at kasalukuyang inoobserbahan.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page