top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bagets na rider, todas sa semplang

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 4, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 4, 2021



AKLAN—Patay ang binatilyong rider nang aksidenteng sumemplang sa kanal ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Hinguiwin, Padre Burgos.


Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima na residente sa nasabing lalawigan.


Batay sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol ang binatilyo sa pagmamaneho ng motorisklo kaya sumemplang ito nang mahulog sa kanal ang nasabing sasakyan.


Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ang biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page