Bagets na rider, sugatan sa jeep
@Balitang Probinsiya | April 25, 2021
CAPIZ—Sugatan ang 17-anyos na binatilyong rider nang aksidenteng mabangga ng pampasaherong jeep ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Bailan, Pontevedra.
Hindi na pinangalanan ng pulisya ang menor-de-edad na biktimang residente ng Bgy. Rizal sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng jeep na minamaneho ni Carlos Dacles, 44-anyos, kaya aksidenteng nabangga ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.
Nabatid na nagtamo ang biktima ng mga pinsala sa ulo at katawan at kasalukuyan na siyang ginagamot sa ospital.
Nahaharap si Dacles sa kasong reckless imprudence resulting to physical injury and damage to property.



Comments