Bagets na rider, 3 pa sugatan sa aksidente
- BULGAR

- Jan 15, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | January 15, 2021
CAPIZ—Apat katao ang sugatan sa motorsiklong minamaneho ng 17-anyos na binatilyo kamakalawa sa Bgy. Pawa, Panay.
Kinilala ng pulisya ang mga sugatan sa aksidente na sina Efraim Estiquita, 42-anyos; Romber Delfin, 41-anyos; Kenneth Besa, 20-anyos at ang binatilyong rider na hindi na pinangalanan.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ng binatilyo ang motorsiklo at kaangkas sina Delfin at Besa ay aksidenteng nabangga nito ang tumatawid sa kalsada na si Estiquita sa nasabing barangay.
Sa lakas ng pagkakabangga ay nabagok sa kalsada ang ulo ni Estiquita at nagtamo naman ng mga sugat sa katawan ang binatilyo at sina Delfin at Besa.
Ginagamot na ngayon sa ospital sina Estiquita, Delfin, Besa at ang binatilyo.



Comments