top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Bagets na rapist, timbog

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 5, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 5, 2024

NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 17-anyos na binatilyong rapist ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Brgy. 10, Victorias City sa lalawigang ito.

 

Dahil menor-de-edad ay hindi na isinapubliko ng mga otoridad ang pangalan ng suspek. 

 

Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.

 

Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa mga otoridad sa pinagtataguan ng suspek kaya agad rumesponde ang mga ito at inaresto ang nasabing rapist.

 

Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga otoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page