Bagets na pusher, timbog
@Balitang Probinsiya | November 14, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang binatilyong drug pusher ang nadakip sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bacolod City sa lalawigang ito.
Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang 17-anyos na suspek.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa nasabing lugar na naging dahilan upang madakip ang suspek.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang sachet ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments